Reklamadora
Ngalan ay Maj.
Disinwebe(19) anyos. Estudyante sa umaga, anak sa gabi.... na kung minsan ay inaabot pa ng umaga kinabukasan. Gustong makaranas ng surprise birthday party kahit isang beses lang. Pwede ring gawin kahit dalawang beses pa. |
||
Para Saan Ba Ito?
Itong blog na ito ay nabuksan sa pamamagitan ng kasipagan ng may-ari na ito na aksayahin ang kanyang oras para tipain sa kompyuter ang nilalaman ng kanyang utak(oo, meron siya nun.).Kaya huwag ka nang magreklamo pa dahil wala kang karapatan. Magbasa ka na lang kung ayaw mong maging kamukha ni Barney. Pwede ka ring mag-iwan ng komento sa bawat entry kung ayaw mo namang maging kamukha ni Pong Pagong. tsismisan portion
Ibang Pinagaaksayahan ng Oras
multiplyfriendster teentalk lunatic forum Nakiki-Plurk
Nakaraan
credits
Design: doughnutcrazyIcon: morphine_kissed |
Time For A Happy Post.
Wednesday, July 15, 20091:40 AM I'm ready, more like excited, for my therapy tomorrow(or later). :D
1 ang uto-uto.
Walang Titulo. Ayokong Mag-isip.
Monday, July 13, 20091:54 AM Kadarating lang niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tinignan ko lang siya ng may hinanakit sa dibdib ko. Bakit ba kasi?
Mahal ko siya. Mahal NAMIN siya. Pero bakit niya ako ginaganito? May nagawa ba akong masama? Meron ba akong ginawa na hindi niya gusto? Bakit niya kami pinahihirapan ng ganito? Masakit kasi sa loob. Hindi ko naman siya makausap, kasi hindi siya yung tipong makakausap mo ng masinsinan. Ewan ko ba kung manhid siya o talagang wala siyang pakialam. Sabi niya mahal niya ako pero ano itong ginagawa niya sakin? SA AMIN?! Ilang beses niyang sinabi sakin na lahat gagawin niya para sa amin. Hindi ko alam yung ibig sabihin pala niya ng LAHAT ay nakakasakit. Nakakadurog. Basag kung basag. Gustuhin ko mang makawala. Hindi pwede. Alam kong hindi ko kaya..... At ayaw ko rin naman siyang mawala. Kasi hindi ko rin kakayanin yun.
2 ang uto-uto.
I'm Asking YOU.
Thursday, July 09, 200910:49 PM How can I survive all of these? PLEASE ANSWER ME. I'M SERIOUS.
2 ang uto-uto.
Hano Pa Ba?
Wednesday, June 17, 200910:09 PM Masyadong mahaba ang linggong ito para sakin. Miyerkules pa lang, parang sobrang dami na ang nangyari.
Una, as usual, nag cram na naman ako. Sinasabi ng utak ko na ayaw kong malate sa pagpasa ng mga plates ko pero sinasabi naman ng katawan ko na dapat akong umupo na lang at tamarin ng bonggang bongga. Pangalawa, kahapon ang unang araw ni Kurt sa school. Yehey! Syempre kahit papano ang lumalabas din ang pagka-tita ko sa kanya at ako ang naeexcite dahil papasok na siya sa school. Tapos na ang maliligayang araw niya bilang isang bum. >:) Pangatlo, ayos na laptop ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko ba alam kung matutuwa ako o maiinis. Natutuwa, dahil ayos na siya. Naiinis kasi Intsik ang lenggwahe. Instik kasi ang nag-ayos. hahahahaha! Ayun lang.
2 ang uto-uto.
|