Hano Pa Ba?
date Wednesday, June 17, 2009
time 10:09 PM

Masyadong mahaba ang linggong ito para sakin. Miyerkules pa lang, parang sobrang dami na ang nangyari.

Una, as usual, nag cram na naman ako. Sinasabi ng utak ko na ayaw kong malate sa pagpasa ng mga plates ko pero sinasabi naman ng katawan ko na dapat akong umupo na lang at tamarin ng bonggang bongga.

Pangalawa, kahapon ang unang araw ni Kurt sa school. Yehey! Syempre kahit papano ang lumalabas din ang pagka-tita ko sa kanya at ako ang naeexcite dahil papasok na siya sa school. Tapos na ang maliligayang araw niya bilang isang bum. >:)

Pangatlo, ayos na laptop ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko ba alam kung matutuwa ako o maiinis. Natutuwa, dahil ayos na siya. Naiinis kasi Intsik ang lenggwahe. Instik kasi ang nag-ayos. hahahahaha!

Ayun lang.


2 ang uto-uto.