Isa Dalawa Tatlo... SMILE!
date Monday, May 25, 2009
time 1:46 AM

Siguro, kung may pinakabano akong gawin, yun na siguro ang pagpapakuha ng ID picture.

Nung nakaraang linggo, nagpapicture ako para sa CAD classes ko, e kailangan nila ng 1x1 para sa ID namin(na hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon e wala pa samantalang magtatapos na ang klase sa loob ng apat na linggo). Pumunta ako sa isang kodakan sa Waltermart Makati kasi yun yung pinakamalapit sa Microcadd. Madami silang combo sizes para sa ID picture mo. May walong 2x2 pics, o kaya walong 1x1 pics, merong halong 1x1 at 2x2. Basta marami.

Shempre, pinili ko yung halong 1x1 at 2x2 para sulit ang 60 pesos ko. E di nung nakapili na ako ng combo, may pina fill up saken yung babae tapos pinapasok na ako sa maliit na kwarto....dahil dun ako pipicturan. Iba siguro yung iniisip mo. Tapos may pumasok na lalake sa kwarto.....na siyang magpipicture saken. Ano ba yang iniisip mo? Haha! Joke lang. Mabilis ang mga pangyayari, pinaupo lang ako tapos pumindot siya ng dalawang beses. Pinapili sa dalawang shots na walang pinagkaiba maliban sa mas mababa lang ng kaunti yung isa. Voila! May picture na ako!


Sabi sayo bano ako magpapicture ng 1x1 e. Kulang na lang may nakasulat sa ibaba na, "Huwag tularan, holdaper ako!".

Kahit hiyang hiya ako sa picture kong yan e pinost ko pa rin. Para...para....para... wala. Gusto ko lang ipost. Buti sana kung pwede lang ang friendster pose para sa ID kaso mas nakakahiya naman yata yun. Hahaha!


2 ang uto-uto.


Kawawang Bokbok
date Saturday, May 09, 2009
time 10:55 PM

Kanina pumunta ako sa fiesta sa barangay ng lola ko. Wala naman masyadong naganap, nakikain lang kami ng tanghalian kasi tinatamad kaming magluto. Meron din palang mga baklang sumayaw sa harap namin. Nakakatakot kasi yung dalawang baklita dun e kumain pa ng apoy sa harap ko. Siguro mga tatlong hakbang lang mula sa akin. Sana hindi rin sila magperform sa panaginip ko mamaya.

Yung kapitbahay naman nila, nagpalaro. Sasali sana ako kaso magmumukha akong tanga. Chaka napansin ko din naman, kung sino ang mga hosts ng palaro, e sila ring mga contestants sa mga laro nila. Malabo.

Pero may isang pumukaw sakin ng pansin. Tawagin na lamang natin siya sa palayaw na Mang.... Wala akong maisip na pangalan. Mang Sisiw na lang. (Naisip kong pangalanan siyang Mang Palaro kaso panget pakinggan yun e. Iba dating saken. Ewan ko lang sayo.) Nagpapalaro kasi siya. Piso kada taya. Hatak Hatak niya yung mini kariton niya. Meron siyang palabunutan, kung saan bubunot ka ng numero tapos kung anong premyo ang nakatapat sa number ko, yun ang premyo mo. Wala kaming napanalunan. Tapos meron ding color game, huhulaan mo lang yung kulay na lalabas tapos mananalo ka ng piso. Tapos ginagawa din niyang premyo ang mga Rodman Sisiw. Sila yung mga sisiw na may kulay ang balahibo. May green, red, blue, violet,orange at meron ding mixed. Matagal na akong nakakakita nun. Ngayon ko lang sila naisipang pag-usapan.

Kung iisipin mo, paano sila kinulayan? Nilubog sa kumukulong dye? Mano-manong pininturahan? Kaya siguro 10 days lang ang life span nila kasi dun sa kulay nila. May epekto yata. May ganun yung pamangkin ko dati, kaso hindi na tumagal ng 10 days. mga 10 minutes lang yata. Kasi nung binili niya yun, binulsa niya. Patay.

Pwede naman kasi silang ibenta ng walang kulay. Maganda naman sila kahit dilaw lang sila ah.



Salamat kay: canonshooter2005 ng flickr


0 ang uto-uto.


Malapit na akong bumigay...
date Saturday, May 02, 2009
time 2:41 AM

Hindi ko na kaya pang makipagplastikan sa sarili ko.


2 ang uto-uto.