Summer Sarap!
date Friday, April 17, 2009
time 6:36 PM

Mainit ang panahon, tagaktak ang pawis, panay ang inom ng malamig na tubig. Oo, summer na nga.

Teka, teka, teka.. Sino ba nagsabing masarap ang summer? ANG INET INET. Pumapasok yung init ng panahon sa katawan at utak mo. Yung ibang walang ginagawa ngayon kundi lumangoy ng lumangoy sa kung saan-saang beach, malamang e masaya ang summer. Pero sa katulad kong estudyante pa din kahit sa panahong ito, uh-uh. Hindi masaya ang summer. Kalalabas mo pa lang ng bahay e pwede mo na kaagad pigain ang panyo mo dahil sa pawis. Tapos ang dami mo pang dala na lalo lang nagpapalala ng sitwasyon.

Tapos na ang reklamo sa panahon kasi wala naman na akong magagawa kundi bumili ng bagong payong at bagong sunglasses. B-)

Nag-umpisa na naman kasi ang panibagong termino ko sa eskwela. Panibagong leksyon na naman. Panibagong pasakit na naman. Pinapangako ko na nga sa sarili ko na kalilimutan ko na ang pagiging isang crammer at gawin ang mga dapat gawin sa maagang panahon. Kaya heto, inuumpisahan ko na ang mga dapat tapusin. Pero linsyak, kung ikaw ba naman e apat na buwan kang hindi nag-ddraft e kahit papano e malilimutan mo pa rin yung "iba" mong natutunan sa pagddraft. Kaya heto ako, back to basics. Hinalungkat ko nga ang mga previous plates na pinilit kong tinago para sa aking "references". Pero linsyak ulet, nagkahalo-halo na ang mga tinagurian kong "references" kaya natagalan ako.

Buti medyo madali pa ang plate ko ngayon. Kaya pang marefresh ng utak ko yung mga pinag-aralan ko. Kaya sinabay ko na din sa paghalungkat ko ng "references" ang paghalungkat sa apat na buwang nakatambak na drafting materials. Puro na sila alikabok. Buti nga nagpakita pa sila sa akin. Pero kailangan ko pa ring bumili ng bagong gamit kasi yung iba sa kanila e basag-basag na.

Kaya hello ulit drafting materials, nagkita na naman tayo.


0 ang uto-uto.