Paano Ako Matatapos Nito?
date Monday, April 27, 2009
time 3:35 PM

Minsan naiisip ko, ay hindi pala, MADALAS naiisip ko kung bagay ba sakin itong ginagawa ko. Ito. Oo, ito. Ang pag-aaral na maging isang Interior Designer.

E kasi naman, wala akong pake sa oras, lagi akong cramming, madalas pang sabog ang mga gawa ko. Paano na kung nagtatrabaho na ako? Hindi naman pwedeng gani-ganito lang ako. Aba, e di napag-iwanan na ako ng panahon. Inaagiw sa isang tabi.

Heto pang iniisip ko. Paano ako magtatagumpay dito sa ginagawa ko e kung mismong kwarto ko e hindi ko maayos. Hindi ko magawan nang paraan kung anong magandang posisyon ng kama, drafting board, study desk at yung mga kalat ko. Hindi ko alam saan ko sila ilalagay. Kung ito nga hindi ko magawan ng paraan, paano pa kaya yung kwarto ng iba.

Type ako ng type dito e ang dami dami ko pang kailangang tapusin. Deadline na sa Wednesday. Haha!

Kitam?!


1 ang uto-uto.