Reklamadora
Ngalan ay Maj.
Disinwebe(19) anyos. Estudyante sa umaga, anak sa gabi.... na kung minsan ay inaabot pa ng umaga kinabukasan. Gustong makaranas ng surprise birthday party kahit isang beses lang. Pwede ring gawin kahit dalawang beses pa. |
||
Para Saan Ba Ito?
Itong blog na ito ay nabuksan sa pamamagitan ng kasipagan ng may-ari na ito na aksayahin ang kanyang oras para tipain sa kompyuter ang nilalaman ng kanyang utak(oo, meron siya nun.).Kaya huwag ka nang magreklamo pa dahil wala kang karapatan. Magbasa ka na lang kung ayaw mong maging kamukha ni Barney. Pwede ka ring mag-iwan ng komento sa bawat entry kung ayaw mo namang maging kamukha ni Pong Pagong. tsismisan portion
Ibang Pinagaaksayahan ng Oras
multiplyfriendster teentalk lunatic forum Nakiki-Plurk
Nakaraan
credits
Design: doughnutcrazyIcon: morphine_kissed |
Hulaan Mo.
Tuesday, April 28, 200911:05 PM
0 ang uto-uto.
Paano Ako Matatapos Nito?
Monday, April 27, 20093:35 PM Minsan naiisip ko, ay hindi pala, MADALAS naiisip ko kung bagay ba sakin itong ginagawa ko. Ito. Oo, ito. Ang pag-aaral na maging isang Interior Designer.
E kasi naman, wala akong pake sa oras, lagi akong cramming, madalas pang sabog ang mga gawa ko. Paano na kung nagtatrabaho na ako? Hindi naman pwedeng gani-ganito lang ako. Aba, e di napag-iwanan na ako ng panahon. Inaagiw sa isang tabi. Heto pang iniisip ko. Paano ako magtatagumpay dito sa ginagawa ko e kung mismong kwarto ko e hindi ko maayos. Hindi ko magawan nang paraan kung anong magandang posisyon ng kama, drafting board, study desk at yung mga kalat ko. Hindi ko alam saan ko sila ilalagay. Kung ito nga hindi ko magawan ng paraan, paano pa kaya yung kwarto ng iba. Type ako ng type dito e ang dami dami ko pang kailangang tapusin. Deadline na sa Wednesday. Haha! Kitam?!
1 ang uto-uto.
Walang Nangyari
Saturday, April 25, 20094:22 PM Espesyal sana ang araw na ito e. Kaso parang ordinaryong araw lang.
2 ang uto-uto.
Hindi ko alam yun.
1:04 AM Naranasan mo na ba yung pakiramdam na ang dami daming nilalaman ng utak mo. Gustong gusto mo silang isigaw ng sabay sabay.
Pero sa oras na binuka mo ang bibig mo, walang lumalabas kahit isang salita. Bigla mo na lang namalayan, natatameme ka na.
0 ang uto-uto.
Summer Sarap!
Friday, April 17, 20096:36 PM Mainit ang panahon, tagaktak ang pawis, panay ang inom ng malamig na tubig. Oo, summer na nga.
Teka, teka, teka.. Sino ba nagsabing masarap ang summer? ANG INET INET. Pumapasok yung init ng panahon sa katawan at utak mo. Yung ibang walang ginagawa ngayon kundi lumangoy ng lumangoy sa kung saan-saang beach, malamang e masaya ang summer. Pero sa katulad kong estudyante pa din kahit sa panahong ito, uh-uh. Hindi masaya ang summer. Kalalabas mo pa lang ng bahay e pwede mo na kaagad pigain ang panyo mo dahil sa pawis. Tapos ang dami mo pang dala na lalo lang nagpapalala ng sitwasyon. Tapos na ang reklamo sa panahon kasi wala naman na akong magagawa kundi bumili ng bagong payong at bagong sunglasses. B-) Nag-umpisa na naman kasi ang panibagong termino ko sa eskwela. Panibagong leksyon na naman. Panibagong pasakit na naman. Pinapangako ko na nga sa sarili ko na kalilimutan ko na ang pagiging isang crammer at gawin ang mga dapat gawin sa maagang panahon. Kaya heto, inuumpisahan ko na ang mga dapat tapusin. Pero linsyak, kung ikaw ba naman e apat na buwan kang hindi nag-ddraft e kahit papano e malilimutan mo pa rin yung "iba" mong natutunan sa pagddraft. Kaya heto ako, back to basics. Hinalungkat ko nga ang mga previous plates na pinilit kong tinago para sa aking "references". Pero linsyak ulet, nagkahalo-halo na ang mga tinagurian kong "references" kaya natagalan ako. Buti medyo madali pa ang plate ko ngayon. Kaya pang marefresh ng utak ko yung mga pinag-aralan ko. Kaya sinabay ko na din sa paghalungkat ko ng "references" ang paghalungkat sa apat na buwang nakatambak na drafting materials. Puro na sila alikabok. Buti nga nagpakita pa sila sa akin. Pero kailangan ko pa ring bumili ng bagong gamit kasi yung iba sa kanila e basag-basag na. Kaya hello ulit drafting materials, nagkita na naman tayo.
0 ang uto-uto.
|