![]() |
Reklamadora
Ngalan ay Maj.
Disinwebe(19) anyos. Estudyante sa umaga, anak sa gabi.... na kung minsan ay inaabot pa ng umaga kinabukasan. Gustong makaranas ng surprise birthday party kahit isang beses lang. Pwede ring gawin kahit dalawang beses pa. |
|
Para Saan Ba Ito?
Itong blog na ito ay nabuksan sa pamamagitan ng kasipagan ng may-ari na ito na aksayahin ang kanyang oras para tipain sa kompyuter ang nilalaman ng kanyang utak(oo, meron siya nun.).Kaya huwag ka nang magreklamo pa dahil wala kang karapatan. Magbasa ka na lang kung ayaw mong maging kamukha ni Barney. Pwede ka ring mag-iwan ng komento sa bawat entry kung ayaw mo namang maging kamukha ni Pong Pagong. tsismisan portion
Ibang Pinagaaksayahan ng Oras
![]() ![]() ![]() ![]() ![]() Nakiki-Plurk
Nakaraan
credits
Design: doughnutcrazyIcon: morphine_kissed |
Super Inggo!
![]() ![]() Heto ako't muling nagbabalik makalipas ng anim na buwan. Oha binilang ko pa. Sa isang iglap kasi tila nalimutan ko na itong blog kong ito at pansamantalang lumipat sa multiply.
Ano bang bago sa akin? Maliban sa tumanda na ako nung nakaraang October e, wala nang nagbago saken. Natapos na naman ang first term namin sa school. Grabe halos mamulubi ako. Ang daming biniling requirements. At naubos din ang ipon sa hindi malamang kadahilanan. At puyat ako ng dalawang gabi kasi tinapos ko pa yung limang plates ko at sa awa ng Diyos e natapos ko din kahit barubal na yung gawa ko sa dalawang plates. Kanina ginanap ang finals namin kanina sa Furniture Style namin. Gumawa kami ng Talk Show set-up na kunwari e ipapalabas sa tv. At ayun nakasurvive naman kami. At napagod ako sa byahe. Dahil yung dala naming sasakyan e yung Chedeng.
0 ang uto-uto.
|