Anunsyo!
date Tuesday, March 31, 2009
time 6:46 PM

HINDI ako buntis.


4 ang uto-uto.


Me Won, Me Won!
date Monday, March 30, 2009
time 3:05 PM


Okay. So nanalo ako bilang may Best Username sa 2008 Teentalk Awards. Wala naman yata akong kalaban kasi sobrang bilis lang ng botohan. Nung una sabi, nominate muna, tapos biglang sinabi na yung mga nagnominate, yun na daw yung mismong boto. Hekhek! Pero ayun, nanalo pa din. Last year talo ako e. Huwag mag-alala dahil wala namang premyong pera diyan. Ang premyo lang e maipost ang username sa Candy Magazine. Hindi na ako bumibili niyan. Sayang lang pera ko. Mwahahaha!

Tinawagan pa nga ako ni Jeemo para lang sabihin ito. Akala ko kung anong ibabalita kasi tumawag pa siya sa cellphone ko. Akala ko sinong namatay na naman. Hahaha!

So ayun, maraming salamat sa mga bumoto. :)
Maraming salamat nga din pala kay Gelline(untamed77angel), siya yung nagpost ng picture sa forum, hinighlight ko lang yung username ko.


1 ang uto-uto.


Kwentong Chalk.
date Sunday, March 29, 2009
time 10:58 PM

Unang baitang, unang araw ng klase. Eto ang masarap sa pag-aaral, 'yung umpisa! ........... Ang sarap yatang gumamit ng bagong notebook, pad paper, ballpen, lapis, pantasa, pambura, pencil case, paste, gunting, ruler, crayola, art papers, kokomban(coupon bond), envelope, cartolina, lunchbox, water jug, kapote, at bag... lalo na pag amoy pabrika pa!

-Bob Ong


Kung maibabalik ko lang ang panahon, siguro ibabalik ko sa oras na nasa elementary pa lang ako. Namimiss ko na yung ganun. Tuwing June hanggang August e hindi mawawalan ng half-day o kaya naman class suspension kasi may malakas na bagyo. O kaya naman e buong maghapon ka sa school na nakatunganga at nakikinig lang sa teacher. O kaya naman manonood lang ng cartoons pag-uwi mo sa bahay. Yung simple pa lang yung pinag-aaralan niyo. Hindi masyadong komplikado.

Sarap ulit-ulitin.


0 ang uto-uto.


Nobenta'y Dos
date Saturday, March 28, 2009
time 8:53 PM

Kinapalan ko na ang mukha ko.

Nilunok ko na ang pride ko.

Kahit alam kong wala akong karapatan e inangkin ko pa din.

Pakiramdam ko, wala akong naitulong.

Walang kaseryosohan sa buhay.

Pero hindi pa din sila masaya.

Nakapagsumbat pa sila.

Kung alam ko lang na ganun e di sana hindi ko na lang pinakita.

Sana binenta ko na lang. May kita pa ako.





May pakiramdam akong hindi ako papasok next term. Bahala na si Super Inggo.


6 ang uto-uto.


Super Inggo!
date
time 8:44 PM

Heto ako't muling nagbabalik makalipas ng anim na buwan. Oha binilang ko pa. Sa isang iglap kasi tila nalimutan ko na itong blog kong ito at pansamantalang lumipat sa multiply.

Ano bang bago sa akin? Maliban sa tumanda na ako nung nakaraang October e, wala nang nagbago saken.

Natapos na naman ang first term namin sa school. Grabe halos mamulubi ako. Ang daming biniling requirements. At naubos din ang ipon sa hindi malamang kadahilanan.

At puyat ako ng dalawang gabi kasi tinapos ko pa yung limang plates ko at sa awa ng Diyos e natapos ko din kahit barubal na yung gawa ko sa dalawang plates.

Kanina ginanap ang finals namin kanina sa Furniture Style namin. Gumawa kami ng Talk Show set-up na kunwari e ipapalabas sa tv. At ayun nakasurvive naman kami.

At napagod ako sa byahe. Dahil yung dala naming sasakyan e yung Chedeng.


0 ang uto-uto.