Libre Ba Kamo?
date Wednesday, May 28, 2008
time 12:26 AM

Ano nga bang salita ang pinaka-pinagbibigyang pansin ng mga tao?


Nasa Grand Central(Mall sa Monumento) kasi ako kanina, dun kasi ako nag-iikot habang hinihintay ko yung tatay ko. Bale, paikot ikot lang ako dun, hihinto kapag may nakitang magandang damit/sapatos/bag/at kung ano ano pa. Humihinto rin ako kapag may nakikita akong sale, hihinto sabay titingin.

Katulad lang kanina, may mga taong humihinto talaga sa escalator, nung una akala ko takot lang silang sumakay ng escalator, akala ko first time nila. Pababa na ako nun e, tapos nabangga ako sa isang ale, paano ba naman, bigla siyang huminto, inakala ko uli yung una kong akala. Pero mali ako.

HUMIHINGI SIYA NG FREE STUBS NG MCDO.

Oo, huminto pa talaga siya dun kasi kulang pa daw yata yung inabot sa kanya nung babaeng nagbibigay ng mga coupon stubs ng McDo. Dun kasi sa coupons na yun e pwede kang magkaroon ng FREE sundae cone, FREE upsize, FREE hash brown at kung anu-ano pang FREE basta ba e bumili ka sa kanila ng mga pagkaing tinitinda.

Pagkakuha niya ng stubs, tuwang tuwa sila (may kasama siya). Ewan ko ba kung bakit sila tuwang tuwa, sa sobrang galak nila, nalaglag ang ballpen nung ale sa escalator at hindi nila makuha sapagka't maiipit daw sila. Ako pa ang kumuha kasi ako yung nasa likod nila.

Kapag may nakikita ka nga namang salitang FREE, e talagang hihinto ka pa at aalamin kung ano yung free na yun. Sige na, hindi ka na kasama sa tinutukoy ko(kung in denial ka), pero karamihan sa mga Pilipino ngayon e napapansin ang salitang FREE o kaya naman LIBRE. Yung libreng LIBRE(pangalan ng dyaryo) sa LRT e pinagaagawan na, yung iba, anim-anim pa yung kopyang kinukuha, ewan ko kung anong gagawin nila dun.

Ayon sa dictionary.com, ang salitang FREE ay ibig sabihin.....

without charge.


ibig sabihin, walang bayad. Pero sa mga panahong ito, may kapalit yan.
"NO ENTRY" "NO LOADING/UNLOADING" "ENTRANCE" "EXIT" "BAWAL MAGTAPON DITO" "BAWAL UMIHI", 70% sa mga Pilipino, hindi pinapansin yan. May mga pumapasok sa mga bawal pumasok. May umiihi sa lugar na bawal. May lumalabas sa entrance at may pumapasok sa exit. Marami sa Trinoma niyan.

Pero kapag FREE na ang nabasa, todo inquire pa ang ilan sa atin, kung paano makukuha yung libreng bagay na yun. Mapa-baso man yan, o pinggan, kutchara, tinidor, kahit libreng chichirya, kinukuha na, oo may ganyan.

Pero may isa pang meaning ng FREE.
Ayon ulit kay pareng dictionary.com , ang isa pang meaning ng FREE ay....

enjoying personal rights or liberty


Hindi ba lahat naman tayo gusto maging malaya? Lahat tayo gustong gawin ang gusto natin, kunin lahat ng gusto natin.

Pero paano ba natin makukuha ang free na tinutukoy ko? Saan ba pwedeng mag-inquire, kailangan ba may kapalit pa rin yan?

Pasensya na kung mahaba ang entry ko, stress reliever lang.


0 ang uto-uto.