![]() |
Reklamadora
Ngalan ay Maj.
Disinwebe(19) anyos. Estudyante sa umaga, anak sa gabi.... na kung minsan ay inaabot pa ng umaga kinabukasan. Gustong makaranas ng surprise birthday party kahit isang beses lang. Pwede ring gawin kahit dalawang beses pa. |
|
Para Saan Ba Ito?
Itong blog na ito ay nabuksan sa pamamagitan ng kasipagan ng may-ari na ito na aksayahin ang kanyang oras para tipain sa kompyuter ang nilalaman ng kanyang utak(oo, meron siya nun.).Kaya huwag ka nang magreklamo pa dahil wala kang karapatan. Magbasa ka na lang kung ayaw mong maging kamukha ni Barney. Pwede ka ring mag-iwan ng komento sa bawat entry kung ayaw mo namang maging kamukha ni Pong Pagong. tsismisan portion
Ibang Pinagaaksayahan ng Oras
![]() ![]() ![]() ![]() ![]() Nakiki-Plurk
Nakaraan
credits
Design: doughnutcrazyIcon: morphine_kissed |
Comeback Celebration ni Ina
![]() ![]() Makalipas ng ilang linggong hindi pagpasok sa kadahilanang nagkaroon ng chicken pox, pumasok na rin sa wakas ang aking kaibigan si Ina. At dahil dun, pati na rin dahil sa kanyang kaarawan, ay nagkaroon na naman ng dinner ang Exotics pero sa kasamaang palad ay hindi na naman kami kumpleto.
Pagkatapos ng aming klase sa History of Art and Architecture, ay nagtungo na ang aming gang sa glorietta upang kumain. Sa Terriyaki Boy, doon kami napadpad, doon kami kumain ng aming hapunan pero para sa ilan ay miryenda lamang yun dahil pagkatapos naming kumain sa Terriyaki Boy, ay kumain na naman kami sa Pizza Hut Bistro pero sa pagkakataong ito ay KKB na kami. Umalis na rin si Ina at Clauds bago pa kami kumain ng pizza. Sa tinagal tagal na rin ng pagkakaibigan namin ni Ina, at sa pagkakaalala ko na rin, ay ngayon lang ako nakatikim ng libre galing sa kanya kaya maraming maraming salamat junior! Sa susunod ulit na taon! *tawa* At sana makahabol ka na sa mga lectures natin lalo na sa mecdraw2 natin. =D
0 ang uto-uto.
|