Reklamadora
Ngalan ay Maj.
Disinwebe(19) anyos. Estudyante sa umaga, anak sa gabi.... na kung minsan ay inaabot pa ng umaga kinabukasan. Gustong makaranas ng surprise birthday party kahit isang beses lang. Pwede ring gawin kahit dalawang beses pa. |
||
Para Saan Ba Ito?
Itong blog na ito ay nabuksan sa pamamagitan ng kasipagan ng may-ari na ito na aksayahin ang kanyang oras para tipain sa kompyuter ang nilalaman ng kanyang utak(oo, meron siya nun.).Kaya huwag ka nang magreklamo pa dahil wala kang karapatan. Magbasa ka na lang kung ayaw mong maging kamukha ni Barney. Pwede ka ring mag-iwan ng komento sa bawat entry kung ayaw mo namang maging kamukha ni Pong Pagong. tsismisan portion
Ibang Pinagaaksayahan ng Oras
multiplyfriendster teentalk lunatic forum Nakiki-Plurk
Nakaraan
credits
Design: doughnutcrazyIcon: morphine_kissed |
Gusto Ko ng Cake
Wednesday, May 28, 20081:22 PM Kanina habang nanonood kami ng game 4 ng Lakers and Spurs, ang saya saya ko, parang naeexcite ako na hindi ko alam.
Pero bakit ngayon parang bigla akong bumagsak? Hindi ako makangiti na ewan.
1 ang uto-uto.
Libre Ba Kamo?
12:26 AM Ano nga bang salita ang pinaka-pinagbibigyang pansin ng mga tao? Nasa Grand Central(Mall sa Monumento) kasi ako kanina, dun kasi ako nag-iikot habang hinihintay ko yung tatay ko. Bale, paikot ikot lang ako dun, hihinto kapag may nakitang magandang damit/sapatos/bag/at kung ano ano pa. Humihinto rin ako kapag may nakikita akong sale, hihinto sabay titingin. Katulad lang kanina, may mga taong humihinto talaga sa escalator, nung una akala ko takot lang silang sumakay ng escalator, akala ko first time nila. Pababa na ako nun e, tapos nabangga ako sa isang ale, paano ba naman, bigla siyang huminto, inakala ko uli yung una kong akala. Pero mali ako. HUMIHINGI SIYA NG FREE STUBS NG MCDO. Oo, huminto pa talaga siya dun kasi kulang pa daw yata yung inabot sa kanya nung babaeng nagbibigay ng mga coupon stubs ng McDo. Dun kasi sa coupons na yun e pwede kang magkaroon ng FREE sundae cone, FREE upsize, FREE hash brown at kung anu-ano pang FREE basta ba e bumili ka sa kanila ng mga pagkaing tinitinda. Pagkakuha niya ng stubs, tuwang tuwa sila (may kasama siya). Ewan ko ba kung bakit sila tuwang tuwa, sa sobrang galak nila, nalaglag ang ballpen nung ale sa escalator at hindi nila makuha sapagka't maiipit daw sila. Ako pa ang kumuha kasi ako yung nasa likod nila. Kapag may nakikita ka nga namang salitang FREE, e talagang hihinto ka pa at aalamin kung ano yung free na yun. Sige na, hindi ka na kasama sa tinutukoy ko(kung in denial ka), pero karamihan sa mga Pilipino ngayon e napapansin ang salitang FREE o kaya naman LIBRE. Yung libreng LIBRE(pangalan ng dyaryo) sa LRT e pinagaagawan na, yung iba, anim-anim pa yung kopyang kinukuha, ewan ko kung anong gagawin nila dun. Ayon sa dictionary.com, ang salitang FREE ay ibig sabihin..... without charge. ibig sabihin, walang bayad. Pero sa mga panahong ito, may kapalit yan. "NO ENTRY" "NO LOADING/UNLOADING" "ENTRANCE" "EXIT" "BAWAL MAGTAPON DITO" "BAWAL UMIHI", 70% sa mga Pilipino, hindi pinapansin yan. May mga pumapasok sa mga bawal pumasok. May umiihi sa lugar na bawal. May lumalabas sa entrance at may pumapasok sa exit. Marami sa Trinoma niyan. Pero kapag FREE na ang nabasa, todo inquire pa ang ilan sa atin, kung paano makukuha yung libreng bagay na yun. Mapa-baso man yan, o pinggan, kutchara, tinidor, kahit libreng chichirya, kinukuha na, oo may ganyan. Pero may isa pang meaning ng FREE. Ayon ulit kay pareng dictionary.com , ang isa pang meaning ng FREE ay.... enjoying personal rights or liberty Hindi ba lahat naman tayo gusto maging malaya? Lahat tayo gustong gawin ang gusto natin, kunin lahat ng gusto natin. Pero paano ba natin makukuha ang free na tinutukoy ko? Saan ba pwedeng mag-inquire, kailangan ba may kapalit pa rin yan? Pasensya na kung mahaba ang entry ko, stress reliever lang.
0 ang uto-uto.
"Ayokong Tumawa Mamaya."
Saturday, May 24, 200811:51 PM HINDI TALAGA AKO SANAY SA UMAGA. I'M NOT A MORNING PERSON. May pasok ako kanina, at umaga pa yun. Badtrip nga kasi hindi ako sanay gumising ng 7am lalo na at 230am na ako nakatulog. less than 8 hours of sleep=puyat Nag-aral pa kasi ako kagabi for my midterms in History. Tinapos ko pa yung home-made-seat-work ko. Hindi ako nakapag start ng maaga kasi I was with Francis the whole day yesterday. Birthday niya kasi ngayon at kahapon kami nagcelebrate. HAPPY BIRTHDAY BHEBHURR! :D So ayun nga, I started doing my school stuffs around 7pm, then I started reviewing at around 11pm. I slept at around 230am tapos I woke up at 7am. Kaya ayun, I went to school na sabaw sabaw pa ang aura. I was literally swaying while walking. INAANTOK PA AKO! Tapos pagdating sa school, late si miss, so nakapag aral pa kami kahit konti. Then, tinuro sa amin kung paano gumawa ng chair. (TAKE THAT, USTE!) Kwento ko some other time about diyan sa UST. Tapos ayun nga, medyo nahilo ako kung paano gawin yun. Haha! Sabaw Strike 2! After that, derecho lunch sa katangi-tanging bukas na pinakamura, Country Style. Sorry malayo yung mga fast foods. 130pm nagstart yung exam. Grabe! Sabaw Strike 3 na ako. Buti na lang binigyan ako ni Clauds ng mahiwagang memory tablet, kaya ayun, kahit papano e marunong ako. After exam, went straight ahead to Timezone Glorietta, at ayun KTV-to-the-max ang drama namin. lol sobrang pangtanggal ng stress! KTV BUDDIES=EXOTICS. Sabaw = term for wala sa tamang pag-iisip
1 ang uto-uto.
Who Wants Buko Juice?
Monday, May 19, 200811:21 AM Masakit ang ulo, bumabagsak ang mata, hindi alam kung ano ang pinagsasasabi.
Yan ang nararamdaman ko ngayon, in short, inaantok. Pwede ring tawaging bangag o sabaw. Dapat may lakad kami ng kuya ko ngayon, nagpapasama mag-inquire sa Adamson. Usapan namin umaga, pero tinanghali ako ng gising, 10:40am na ako nagising kanina. Kaya iniwanan na nila ako. Pagkagising ko, internet kaagad ako. Palibhasa, adik daw. Para mamaya, gawin ko na yung school stuffs ko.
0 ang uto-uto.
Uh-Oh
Thursday, May 15, 200810:29 PM This week was like hell week. Well, hindi naman ganun kalala. There are just some things na hindi maganda na nangyari.
Tuesday the 13th. 02:30pm- Location: Tindahan namin. Text: Me: natawag na ba ako. Clauds: Yeah. Nalungkot ako nun kasi 60% na ako sa recitation ko sa History, ang rule kasi "Kapag natawag ka at wala ka, 60 ka na." Me: wala na, bagsak na ako sa recitation ko. Mom: Iiyak ka na? Me: Hindi noh, nalulungkot lang ako. 7 Hours Earlier... Daddy: Daanan na lang kita mamaya tapos bigay ko na baon mo. Me(nasa kama pa): Ok. Tapos nung mga 10am, pumunta kami ng mom ko tsaka kuya ko sa tindahan para kumuha ng baon kasi papasok na kami. E since umuulan at baha, walang kita. Tumawag si daddy tapos sabi punta daw siya sa tindahan ng mga 12 kaya hinintay namin. Wala talaga akong pera nung time na yun. Kailangan ko pang ipa-print yung homework ko. Tik......Tak..... Wowowee sinong di mawiwili......... Tik.......Tak.... Alas-una na wala pa tatay ko so cinonsider ko na lang na aabsent ako. Tapos nagtext ako kay clauds kung natawag na ba ako at ayun. Natawag nga. -_- Tik.....Tak..... Magdusa Ka...... Tik....Tak.... Kaputol ng Isang Awit..... Coffee Prince na nang dumating na tatay ko. Ayun, wala pa ring baon. Wednesday the 14th. Wala namang masaklap na nangyari maliban sa naiwan ko yung phone ko sa bahay. Thursday the 15th. Masaya ang araw ko, Huwebes na e. Kumbaga parang Sabado Nights. Nagkayayaan na mag-ktv, at hayun, kantahan, hiyawan at sigawan. Pauwi na ako nung maganap ang masaklap. Basahin mo na lang yung entry bago ito kasi tinatamad na akong itype ulit.
1 ang uto-uto.
In Memory Of....
9:35 PM I lost him at lrt earlier. I know it's too childish to make an entry about a missing keychain. Pero matagal na sakin itong keychain ko. It's been around, uhm, 4 years or 5 years? and yung kakambal niya which is the bear/dog e na kay francis. so ayun. :(
2 ang uto-uto.
Rainy Day on Monday
Monday, May 12, 20085:22 PM Went to Trinoma with Francis to watch Iron Man starring Robert Downey Jr. and Gwyneth Paltrow. Man, it was awesome! Parang mas gusto ko siya kaysa kay Spidey boy. Mas hot pa si Iron Man kaysa kay Peter Parker. LOL. Sulit na sulit yung binayad sa sinehan. Sulit yung 160 ko, este, ni Francis pala. Haha!
0 ang uto-uto.
Comeback Celebration ni Ina
Tuesday, May 06, 200810:36 PM Makalipas ng ilang linggong hindi pagpasok sa kadahilanang nagkaroon ng chicken pox, pumasok na rin sa wakas ang aking kaibigan si Ina. At dahil dun, pati na rin dahil sa kanyang kaarawan, ay nagkaroon na naman ng dinner ang Exotics pero sa kasamaang palad ay hindi na naman kami kumpleto.
Pagkatapos ng aming klase sa History of Art and Architecture, ay nagtungo na ang aming gang sa glorietta upang kumain. Sa Terriyaki Boy, doon kami napadpad, doon kami kumain ng aming hapunan pero para sa ilan ay miryenda lamang yun dahil pagkatapos naming kumain sa Terriyaki Boy, ay kumain na naman kami sa Pizza Hut Bistro pero sa pagkakataong ito ay KKB na kami. Umalis na rin si Ina at Clauds bago pa kami kumain ng pizza. Sa tinagal tagal na rin ng pagkakaibigan namin ni Ina, at sa pagkakaalala ko na rin, ay ngayon lang ako nakatikim ng libre galing sa kanya kaya maraming maraming salamat junior! Sa susunod ulit na taon! *tawa* At sana makahabol ka na sa mga lectures natin lalo na sa mecdraw2 natin. =D
0 ang uto-uto.
Ikaw, Masaya Ka Ba?
Saturday, May 03, 20081:09 AM Sa tingin mo ba, ano ba talaga ang nagpapasaya sa isang tao? Pera ba? Materyal na bagay ba? O ang mga tao sa paligid mo? Parehas ba ang saya na nararamdaman mo kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay, sa pakiramdam na kapag nakukuha mo ang bagay na gusto mo? Credit: hebagowayed of DA.
1 ang uto-uto.
|