Kung Pwede Lang Sanang Idaan Sa Juicy Fruit.
date Saturday, March 08, 2008
time 12:51 AM

I've been so stressed this week. Isinusumpa ko na ang pag-ccram. Wala kasi akong tulog for 2 consecutive nights. Well, meron naman pero konti lang. Ang dami nang ginagawa tapos nalalapit na yung finals namin so tinatambakan na kami ng plates, take note BASIC COURSE palang ito, WHAT MORE PA SA ADVANCED COURSE.

Hindi ko na maintindihan ngayon kung bakit nung mga high school palang tayo e feeling natin tayo na ang pinakastressed sa buong mundo. Sa college mo na lang marerealize na sana naging high school ka na lang forever. Less work, more fun. Wala ka pang makikitang eyebags na tinubuan ng pimples kapag nasa highschool ka. Yak!

'Di ba nung high school, akala mo e Chemistry/Physics/Geometry/Trigonometry na ang tatapos ng ating buhay? Na ang mga projects sa T.H.E. ang kumakain ng ating "fun time"? At yung mga practice sa sayaw ang nagpapastress sa atin? *Pero kung iisipin mo lang ngayon, mas okay nang magpractice ako ng magpractice, o kaya naman magsolve na lang ng mga Chemistry o kaya naman Physics.

Napaisip din ako, bakit hindi na lang nagcollege nung bata pa tayo at nag ABC at 123 na lang pagtanda? At least, tatatak talaga sa utak natin yung pinagaralan natin sa college.. =))

*Note: Hindi ko alam ang mga pinagsasasabi ko sa mga huling pangungusap.


0 ang uto-uto.