Tara Na Sa Pinoyskwela
date Tuesday, July 03, 2007
time 10:27 PM

Sa araw-araw nating pamumuhay, hindi mawawala sa ating bibig ang mga salitang Ingles. Ang pagbili mo pa lamang ng pagkain sa McDo, Ingles na kaagad ang ating ginagamit. Wala pa akong naririnig na nagsasabi sa tindera na,
"Isa nga pong pritong manok na may kasamang isang basong coke. At isa na rin palang malaking piniritong patatas."
Bakit ba hindi pwedeng gawing Tagalog ang menu sa mga kainan?
Tayo'y mga Pinoy, dapat Wikang Tagalog ang ating ginagamit.

Halimbawa na lamang.....
Kapag may mga dayuhan tayong nakakausap sa ibang bansa, hindi ba't Wikang Ingles din ang ginagamit natin para tayo'y magkaintindihan. Subalit kapag sila naman ang nandito sa Pinas, tayo pa rin ang magsasalita ng Ingles para lang magkaintindihan.

Tulad na rin sa mga marami ngayon, gustong-gusto nilang may natututunan silang mga bagong Wikang Ingles para sila ang k-u-u-l.

Kanina, nailabas na ang bagong isyu ng "THE BENILDEAN", ito ang aming pahayagan sa Benilde. Habang nagbabasa, merong kumuha ng aking atensyon, at ito ang "Paduguan Session" ni Kirk Tefora. Meron itong limang malalalim na salitang Tagalog na nakuha din nila kay "Panganiban J.V.,(1972), Diksyunaro-Tesauro"

Ibibigay ko ang 5 salita at hulaan niyo kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.
-Malabiga
-Kuwentagotas
-Tighoy
-Dalingsil
-Karungsulan

O di ba malalim? Para mapadali ang inyong pag-iisip ng mga ibig sabihin nito, magbibigay ako ng mga pangugusap.

"Huwag kang magsabi ng sikreto sa kanya, isa siyang MALABIGA."
"Gamitin mo ang KUWENTAGOTAS para sigurado ang dami."
"Ang pagTIGHOY ng ulan ay simbolo ng panibagong pag-asa."
"Mababa ang kanyang marka dahil marami siyang DALINGSIL na sagot."
"Laging masaya sa KARUNGSULAN tuwing piyesta."

hula na! :D


0 ang uto-uto.