![]() |
Reklamadora
Ngalan ay Maj.
Disinwebe(19) anyos. Estudyante sa umaga, anak sa gabi.... na kung minsan ay inaabot pa ng umaga kinabukasan. Gustong makaranas ng surprise birthday party kahit isang beses lang. Pwede ring gawin kahit dalawang beses pa. |
|
Para Saan Ba Ito?
Itong blog na ito ay nabuksan sa pamamagitan ng kasipagan ng may-ari na ito na aksayahin ang kanyang oras para tipain sa kompyuter ang nilalaman ng kanyang utak(oo, meron siya nun.).Kaya huwag ka nang magreklamo pa dahil wala kang karapatan. Magbasa ka na lang kung ayaw mong maging kamukha ni Barney. Pwede ka ring mag-iwan ng komento sa bawat entry kung ayaw mo namang maging kamukha ni Pong Pagong. tsismisan portion
Ibang Pinagaaksayahan ng Oras
![]() ![]() ![]() ![]() ![]() Nakiki-Plurk
Nakaraan
credits
Design: doughnutcrazyIcon: morphine_kissed |
Ngayon lang talaga siya nag-sink in.. Pramis!
![]() ![]() Finally, got a copy of Bob Ong's "MACARTHUR". Yeah, I know, it was published like, 3 months ago? But what can I do? As if I'm going to megamall or north edsa just to get a copy? Haha, no thanks! Hihintayin ko na lang siya sa NBS Taft, and ngayon lang nagka-copy dun.
Midterms week na, got lots of stuffs to do. 2 speeches, daming exams, at design for BP(Blueprint) tshirt. Ngayon ko lang nalaman na marami pala akong gagawin, kaya ngayon lang ako nagccram. So mukhang hindi ko natupad yung isa sa mga New School Year Resolution(check my previous posts), pero actually 2 na yung hindi ko natutupad. Hulaan mo kung ano yung isa. Gusto ko nang matulog kasi inaantok na ako, pero I'm still waiting na masend yung mga mp3s that Jo requested. Ang laki-laki na ng eyebags ko. Tama nga sabi nila, you're not a certified college student kung wala kang eyebags. Haha! July 9 na, malapit na debut ni Riel. So namomroblema pa ako sa damit ko at sa gifts ko. Kasi hindi lang naman si Riel ang reregaluhan ko. Mag-AAugust na, malapit na rin birthday ni Mikka so magbibigay din ako ng gift sa kanya at mga "belated gifts" para kina Jo, Ina at Francis. Actually hindi naman talaga ako mahilig magbigay ng regalo e, hanggang plano lang ako. Haha! Itong araw na ito ang pinakaunproductive day para sa akin. Pumunta ako ng school, attended my 1030 class, hoping na makakapagpresent na ako ng speech ko pero hindi natuloy due to lack of time. I didn't attend my 2nd class(230-330) due to laziness. Haha! I was still hoping na magiging productive itong araw na 'to by attending my last class, PE. Pero, wala, unproductive talaga, ewan ko kung ano nakain ng prof ko at nawalang siya ng ganang magturo ng mga arnis moves niya kaya after attendance, pinauwi na niya kami. Tsk Tsk. Hanggang ngayon nalalasahan ko pa rin yung kinain kong wanton mami kanina sa San Juan.
4 ang uto-uto.
|