I need a financier... Now!
date Tuesday, July 31, 2007
time 9:30 PM

Tuesdays, I reaaly hate Tuesdays because it's the day that I don't have any breaks and my class starts at 940am and ends at 550pm.. So as expected, lagi akong binubugnot kapag Tuesdays. BOO!

But this Tuesday's kinda weird. These are the things that made my day wonderful:
1. I saw my gay-guy crush. Nyahaha! Yup, he's gay but for me, he's oh-so-hot.. hahaha! I saw him sleeping in their cubes, and wow, ang gwapo niya kapag tulog. Mukha siyang lalake. :D

2. I received a text from Francis. Haha! Since he lost his phone, I rarely received texts from him kaya kapag nagtetext siya sakin, special na sakin yun[keso]

3. My WORLITE prof was absent. Haha! >:)

4. I was given a chance to watch FALL OUT BOY'S CONCERT HERE IN MANILA! I'm not that concert-goer talaga kaya, this is my FIRST time to watch a concert, Annie[a friend of mine] reserved some VIP tix for us which costs P3,890. I still have 1 1/2 months to save money.. Haha! Sana makuha ko pera ko kay daddy. If not, "Could somebody treat me please?" :D


3 ang uto-uto.


Thriller
date Thursday, July 26, 2007
time 9:32 PM

Sobrang busy ako ngayon pero wala naman akong ginagawa. Gets? Kitam, ngayon na lang ulit ako nag-update ng blog ko. Yihee! New layout, made this last night. Hehe!

This past few weeks, napapansin ko na nagiging super loud na ako. Oo, i know that I'm a loud person pero mas lalo pa akong nagiging loud. Gusto ko na ngang magbago e. Haha! Pero I can't. Lalo na kapag kasama ko si Clauds, patay, wala na, sabog na ulit ang mundo. :D
Gusto kong i-lessen ang pagiging loud ko kasi i know, and i feel that maraming tao na ang naiirita. Ayoko nang magmention pa. =P

Ambilis ng panahon, patapos na agad ang July. Kailangan ko na ulit magbayad ng tuition or else, hindi ako makakapag- pre-enroll next week. Boohoo!

Gonna watch Simpsons The Movie, pero hindi ko pa alam kung kailan. Maybe this Saturday or next Saturday.

Exotics, kelan EK natin? :)


2 ang uto-uto.


Hindi ko lang alam
date Tuesday, July 10, 2007
time 8:40 PM

Ang sarap ng feeling kapag umuulan noh? Lalo na kapag malakas ang hangin tapos nafeefeel mo yung mga patak ng ulan, tapos nasa kwarto ka lang at nakahiga.. Mmmmm.. Ang sarap matulog.

Pero kung may ulan nga pero pauwi ka pa lang galing school, e hindi na nakakatuwa ang ulan! Basang-basa, hindi alam ang gagawin, mabuti na lang at kasabay ko si daddy pauwi kung hinde, pataykambata ka! Ano na kaya ang hitsura mo pag uwi?

Lalo pang nakakabadtrip e yung, aalis ka ng bahay, and take note, naka business attire ako, ang taas taas ng sikat ng araw. Pero pagdating ko sa Benilde, ano inabot ko? ulan! Nagpedicab pa ako para lang hindi mabasa, ang masaklap, pagdating ko sa SDA which is mga 1/2-1 km from dun sa sinakyan ko, bigla namang umaraw. Sayang ang bente ko.

Isa pang nakakawindang, hindi natuloy ang speech ko! Sayang ang get-up ko, naka high heels pa ako! Hay nako, tapos pag-uwi ko, ulan din ang aabutin ko.

Ewan ko na sa'yo!


4 ang uto-uto.


Ngayon lang talaga siya nag-sink in.. Pramis!
date Monday, July 09, 2007
time 11:40 PM

Finally, got a copy of Bob Ong's "MACARTHUR". Yeah, I know, it was published like, 3 months ago? But what can I do? As if I'm going to megamall or north edsa just to get a copy? Haha, no thanks! Hihintayin ko na lang siya sa NBS Taft, and ngayon lang nagka-copy dun.

Midterms week na, got lots of stuffs to do. 2 speeches, daming exams, at design for BP(Blueprint) tshirt. Ngayon ko lang nalaman na marami pala akong gagawin, kaya ngayon lang ako nagccram. So mukhang hindi ko natupad yung isa sa mga New School Year Resolution(check my previous posts), pero actually 2 na yung hindi ko natutupad. Hulaan mo kung ano yung isa.

Gusto ko nang matulog kasi inaantok na ako, pero I'm still waiting na masend yung mga mp3s that Jo requested. Ang laki-laki na ng eyebags ko. Tama nga sabi nila, you're not a certified college student kung wala kang eyebags. Haha!

July 9 na, malapit na debut ni Riel. So namomroblema pa ako sa damit ko at sa gifts ko. Kasi hindi lang naman si Riel ang reregaluhan ko. Mag-AAugust na, malapit na rin birthday ni Mikka so magbibigay din ako ng gift sa kanya at mga "belated gifts" para kina Jo, Ina at Francis. Actually hindi naman talaga ako mahilig magbigay ng regalo e, hanggang plano lang ako. Haha!

Itong araw na ito ang pinakaunproductive day para sa akin.

Pumunta ako ng school, attended my 1030 class, hoping na makakapagpresent na ako ng speech ko pero hindi natuloy due to lack of time. I didn't attend my 2nd class(230-330) due to laziness. Haha! I was still hoping na magiging productive itong araw na 'to by attending my last class, PE. Pero, wala, unproductive talaga, ewan ko kung ano nakain ng prof ko at nawalang siya ng ganang magturo ng mga arnis moves niya kaya after attendance, pinauwi na niya kami. Tsk Tsk.

Hanggang ngayon nalalasahan ko pa rin yung kinain kong wanton mami kanina sa San Juan.


4 ang uto-uto.


Tara Na Sa Pinoyskwela
date Tuesday, July 03, 2007
time 10:27 PM

Sa araw-araw nating pamumuhay, hindi mawawala sa ating bibig ang mga salitang Ingles. Ang pagbili mo pa lamang ng pagkain sa McDo, Ingles na kaagad ang ating ginagamit. Wala pa akong naririnig na nagsasabi sa tindera na,
"Isa nga pong pritong manok na may kasamang isang basong coke. At isa na rin palang malaking piniritong patatas."
Bakit ba hindi pwedeng gawing Tagalog ang menu sa mga kainan?
Tayo'y mga Pinoy, dapat Wikang Tagalog ang ating ginagamit.

Halimbawa na lamang.....
Kapag may mga dayuhan tayong nakakausap sa ibang bansa, hindi ba't Wikang Ingles din ang ginagamit natin para tayo'y magkaintindihan. Subalit kapag sila naman ang nandito sa Pinas, tayo pa rin ang magsasalita ng Ingles para lang magkaintindihan.

Tulad na rin sa mga marami ngayon, gustong-gusto nilang may natututunan silang mga bagong Wikang Ingles para sila ang k-u-u-l.

Kanina, nailabas na ang bagong isyu ng "THE BENILDEAN", ito ang aming pahayagan sa Benilde. Habang nagbabasa, merong kumuha ng aking atensyon, at ito ang "Paduguan Session" ni Kirk Tefora. Meron itong limang malalalim na salitang Tagalog na nakuha din nila kay "Panganiban J.V.,(1972), Diksyunaro-Tesauro"

Ibibigay ko ang 5 salita at hulaan niyo kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.
-Malabiga
-Kuwentagotas
-Tighoy
-Dalingsil
-Karungsulan

O di ba malalim? Para mapadali ang inyong pag-iisip ng mga ibig sabihin nito, magbibigay ako ng mga pangugusap.

"Huwag kang magsabi ng sikreto sa kanya, isa siyang MALABIGA."
"Gamitin mo ang KUWENTAGOTAS para sigurado ang dami."
"Ang pagTIGHOY ng ulan ay simbolo ng panibagong pag-asa."
"Mababa ang kanyang marka dahil marami siyang DALINGSIL na sagot."
"Laging masaya sa KARUNGSULAN tuwing piyesta."

hula na! :D


0 ang uto-uto.


:)
date Sunday, July 01, 2007
time 2:46 PM

Yesterday...

Went to SM Centerpoint, watched transformers with Francis. Wow! Ganda nung movie, nung start akala ko nakakaantok siya pero hindi pala. Ang gaganda ng mga sasakyan, nakakatuwa ding pumili ng mga sasakyan yung mga autobots dun e.. Haha! Cadillac, GMC, Chevrolet at kung anu-ano pa.

Then afterwards, bought another school bag since my zipper of my old one is broken. Thanks TOMATO -_-

And I also bought a wallet and a cellphone holder.



So yun.. ubos na ang ipon ko..
Last Friday, na-install ko na yung MS Office 2007 ko. Hehe! Thank you piracy.. >:)
Pero yung CS3 na hiniram ko kay Vince, hindi ko pa naiinstall. Tamad pa e. ;)

Labels:



0 ang uto-uto.