Updates
date Wednesday, June 20, 2007
time 11:53 PM

June 18, 2007

Lunes na Lunes, umagang-umaga, nag-away kami ng nanay ko. The usual sermon blues, blah blah here and blah blah there...
And THAT ruined my entire week.

Muntik nga mawala yung cellphone ko nung araw na yun e.
Kasi, while i was in the LRC, naghahanap kasi ako ng book para sa reporting namin, nilapag ko yung phone ko sa tabi ng PC, tapos sa hindi ko malamang dahilan e nalimutan kong kunin. Tapos, i almost spent 30 minutes sa LRC tapos nakikipagchikahan pa ako sa friend ko. Tapos, i spent 5 minutes sa inook(parang computer lab sa benilde). Chaka ko lang narealize na nawawala ang cellphone ko. So todo-panic naman ang lola mo, todo-isip kung saan ko naiwan ang phone ko, bumalik na ako sa LRC at sabi ng mama nasa OSB(Office Of Student Behaviors) na raw yung cellphone ko. E di medyo calm na ako. Pagdating naman sa OSB, tinanong ko kung nandun ba phone ko, tapos pinadescribe nila sa akin.
After nun, makukuha ko na sana pero wala daw sa kanila yung logbook nila. Ako naman, like HUWATT???? KELANGAN KO NA ANG PHONE KO!!!!

OSB GUY: Ano unit ng cell mo?
ME: 6680, pink casing na may silicon at black keypad.
OSB GUY: Ano screen saver mo?
ME: May devil and angel na naghahalikan.
OSB GUY: Ito ba yun?(Hawak niya 3310)
ME: HINDI YAN!!!!
OSB GUY: Ah ito?(Hawak na niya cell ko)
ME: OO!!!! YAN NGA!!!!!
OSB GUY: Wala pa dito yung logbook namin e, nasa kabilang room pa.
ME: HA?!!!! Hindi ko ba pwedeng kunin na lang?
OSB GUY: Hindi e, kasi kailangan mo pang pumirma sa logbook.
OSB GUY 2: May class ka ba?
ME: Meron po, 230, sa SDA Bldg pa.
OSB GUY 2: May break ka pa ba?
ME: 620 pa po.
OSB GUY 2: Wala kang break?
ME: Wala po e. (Pero may 50-minute break pa talaga ako)
OSB GUY: E hindi mo pa rin pwedeng makuha ang cell mo.
OSB GUY 2: Balikan mo na lang mamaya, hanggang 930 pa naman ako dito e.
ME: HA???!!!! May tatawagan pa po kasi ako e. (Pero wala naman) Hindi ko pwedeng kunin mamaya..
OSB GUY: O ito oh, tawagan mo na, pero hindi mo pwedeng ilabas.
ME: Hindi ko ba talagang pwedeng kunin?
OSB GUY (talking to OSB GUY2): Kunin mo na nga yung logbook sa kabila.
At nung nakuha na yung logbook.
OSB GUY: Paano namin masisiguro na sayo yan?
OSB GUY2: Pakita mo na kahit isang pic mo.
ME: Sige, kahit ilan pa.


E hindi ko naalala na nagbura pala ako ng mga vain pics ko sa phone ko. So todo hanap ako, puro candid pics ng mga friends ko.. Pero nakita ko pa rin yung 3 pics ko.. Lagpas 20th image na siya.. Kamusta naman yun? Buti na lang nakuha ko na cell ko.

Lesson Learned: Always keep at least 3 VAIN PICS on your cellphone. :)

June 19, 2007

Another usual day for me. Nasermonan na naman ako pero this time, tatay at kuya ko naman. Nag-join forces ang dalawa at pinagtulungan ako. Poor me.

June 20, 207

Isa pang usual day. Pero this time, kakaiba. I cried. Yes, I cried and take note, sa SC Office pa ako nagkalat. The witnesses, Jo and Vince. Umiyak ako nung narinig ko lang ang She's The One ni Robbie Williams. Siguro almost 1 hour din akong tuliro. 15 minutes akong umiyak at 15 minutes akong tahimik.

Tapos bonding kami kanina sa McDo with Chaporn, Mikmik, Ron, Jo and Vince tapos may libre pang sundae kay Jo.. Thanks!

Tapos ayun, gabi na kami umalis ng Benilde. 8pm na kami umalis e. Pero mas maaga umalis si Mikmik kasi hinuhunting na ng tatay niya.


Wow, haba ng entry na ito ah.
Hindi ko na kinuwento yung sermon blues ng tatay ko at ng kuya ko.. haha!
Mahabang storya e. :D

Labels:



5 ang uto-uto.