lagpas sa linya
date Tuesday, May 01, 2007
time 3:33 AM

Iba talaga kapag kapatid mo na ang nilalait e. Ayaw ko nang sabihin pa ang pangalan dahil naiinis lang ako. Bibigyan na lang kita ng ideya kung sino ang aking tinutukoy, ahm, nakatira siya dito sa bahay. Ayan baka alam mo na kung sino siya.

Ayun nga, naiinis ako kasi wala siyang karapatang laitin ang kuya ko! Sabihan daw bang PG(o maari rin nating tawaging PATAY GUTOM) ang kapatid ko. Ano ang basehan niya para tawagin ang kuya ko ng ganun? Oo! Mahirap lang ang kuya ko, pero dahil yun sa problema niya ngayon sa pamilya niya. Kahit anong mangyari, WALA TALAGA SIYANG KARAPATANG LAITIN ANG KUYA KO DAHIL HINDI SIYA ANG BUMUBUHAY SA KAPATID KO, AT ISA PA, HINDI NAMAN SIYA INAANO NG KUYA KO. Porke't ba siya ang nag-aalaga sa pamangkin ko,(na alam ko ay labag sa loob niya yun), e lalaitin na lang niya ng basta basta ang kuya ko? Huwag niyang sabihin na may pera siya, dahil baka imudmud ko lang sa kanya itong tsinelas na suot ko!

Hindi na ako nagreact sa kanya nang sinabi niya yun dahil magkakagulo lang, pero kapag sinabi niya ulit yun, baka sagutin ko na siya!


1 ang uto-uto.